ABS–CBN Corporation

Ang ABS–CBN Corporation (ABS-CBN: "Alto Broadcasting System-Chronicle Broadcasting Network"), ay isa sa mga nangungunang network napantelebisyon sa Pilipinas. Ito ay itinatag noong Oktubre 23, 1953, at naging pinaka-unang komersyal na himpilan ng telebisyon sa Asya. Ito ay bahagi ng Lopez Group of Companies.Ang kanilang punong tanggapan ay matatagpuan sa ABS-CBN Broadcast Center sa Sargent Esguerra Ave, Diliman, Lungsod Quezon. Sa Kalakhang Maynila, ang kanilang mga himpilan ay DWWX-TV Channel 2, at DWAC-TV Channel 23. (Kasalukuyang pinapalakad ng Studio 23).